BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, July 10, 2013

Gutom at Malnutrisyon Sama-Sama nating Wakasan


    Ang gutom at malnutrisyon ay sanhi ng pagkain ng mga junk foods na tinatawag ring chichirya. Oo nakabubusog ito pero ito'y panandalian lang at higit sa lahat wala itong ibinibigay na sustansya para sa ating katawan.
    Para sa akin, ang pagkain ng kompleto ang solusyon sa  gutom at malnutrisyon. Ito'y tinatawag na tamang diyeta. Ang diyeta ay binubuo ng Glow foods tulad ng gulay na promoprotekta sa ating katawan, Grow foods tulad ng isda at karne para sa tamang paglaki at Go foods tulad ng kanin at pandesal na nagbibigay ng enerhiya. Kung ito'y hindi nyo gusto, puwede namang lutuin sa gusto mong luto, kung dadagdag ng pampalasa, huwag din itong ramihan.
    Huwag nating tingnan ang lasa ng tamang pagkain. Intindihin natin ang kanilang ibinibigay na sustansya upang humaba pa ang ating buhay. Lahat tayo'y kumain ng kompleto at sama-sama nating wakasan ang gutom at malnutrisyun