BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, August 22, 2013

Hamon ko sa Iyo


Wika ay parang goma ng walis ting-ting. Ito ang nagbubuklod sa walis upang linisin ang kapaligiran.
Isang halimbawa ng naiduot ng wika ay ang pagtigil sa panahon ng diktatoryal at pagpapasimula ng demokrasya. Ang sandantatang ginamit nila ay ang People Power. Nagkaisa at nagkaintindihan ang mga tao dahil sa paggamit ng ating sariling wika - ang Filipino. Milyong - milyong tao ang sumugod upang patalsikin ang pangulo ng diktatoryal - si Pangulong Marcos at sila'y nagtagumpay.
Ang wika ang nagpapaisa sa atin upang linisin ang kapaligiran. Makakaya nating puksan ang korapsyon, ang kahirapan, ang kagutuman, at kahit na ano mang balakid sa pagtupad ng ating mga minimithi, na ibasura ang mga dumi ng ating kinabibilangan - Pilipinas.
Kaya hamon ko sa iyo, gamitin mo ang wikang Filipino. Maghikayat ng iba at gamitin ito. Dahil ang wika natin ang daang matuwid sa malinis na Pilipinas.

0 comments: